Thursday, December 26, 2024

HomeNewsGobernador ng Leyte, sinabing panahon na para gawing moderno ang pampublikong sasakyan

Gobernador ng Leyte, sinabing panahon na para gawing moderno ang pampublikong sasakyan

Sinabi ni Leyte Governor Carlos Jericho Petilla nitong Biyernes, Marso 10, na panahon na para isulong ang public utility vehicle modernization program (PUVMP) sa lumalaking populasyon at lumalalang trapiko sa bansa.

“The roads are not getting bigger, and the population is growing. We need to put less cars on the road. The modernized vehicle can accommodate more passengers,” ani Petilla sa isang panayam.

Gayunpaman, nanawagan ang gobernador sa pambansang pamahalaan na maghanap ng mga paraan upang gawing abot-kaya ang mga modernong sasakyan sa maliliit na operator.

“Traditionally, some of the jeepney drivers own their units. Under modernization, we need a facility for everyone to own a modern jeepney,” dagdag ni Petilla.

Ang pahayag na ito ng gobernadora ay inilabas ilang araw matapos ang transport strike na nakaapekto sa Metro Manila commuters ngunit halos hindi naramdaman sa ibang rehiyon.

Ang PUVMP ay naglalayon na makamit ang isang restructured, modern, well-managed at environmentally sustainable transport sector kung saan ang mga driver at operator ay may matatag, sapat, at marangal na kabuhayan habang ang mga commuter ay mabilis, ligtas at komportableng makakarating sa kanilang mga destinasyon, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe