Tuesday, December 24, 2024

HomeRebel NewsGamit ng mga teroristang grupo, natuklasan sa Northern Samar

Gamit ng mga teroristang grupo, natuklasan sa Northern Samar

Samar – Nadiskubre ng tropa ng gobyerno ang isang arms cache na ibinaon ng Communist-NPA-Terrorists (CNTs) sa hinterland ng Brgy. Magsaysay, Mapanas, Northern Samar nitong Mayo 2, 2023.

Natuklasan ang mga ito dahil sa tip ng isang Former Rebel (FR) tungkol sa lokasyon ng arms cache, nahukay ng tropa ng gobyerno ang 6 na anti-personnel mines (APM), isang homemade shotgun, at isang AK47 rifle na may magazine na puno ng mga bala.

Ang pagkakatuklas ng arms cache lalo na ang mga APM ay isang patunay na ang Communist Terrorist Groups (CTGs) ay tahasan pa ring lumalabag sa Law of Armed Conflict at International Humanitarian Law (IHL).

Ang paggamit ng mga APM ay matagal nang ipinagbawal mula noong 1997 Ottawa Convention, isang kombensiyon sa paggamit ng mga minahan bilang mga sandata sa pakikidigma dahil maaari itong magdulot ng labis na pinsala at may sikolohikal na epekto sa mga biktima.

Mayroong apat na uri ng mga paglabag sa ilalim ng Ottawa Convention, ang produksyon, transportasyon, pag-iimbak, at paggamit ng Anti-Personnel Mines.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe