Wednesday, December 25, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsFormer Rebels, nakatanggap ng Php260K cash aid sa Northern Samar

Former Rebels, nakatanggap ng Php260K cash aid sa Northern Samar

Hindi bababa sa 34 na dating rebelde na sumuko kamakailan sa mga awtoridad sa Northern Samar ang nakatanggap ng Php260,000 cash aid sa ilalim ng Assistance to Indibidual in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare Development (DSWD).

Ayon kay Lieutenant Colonel Manuel Degay Jr, Commander ng 43rd Infantry Battalion, Philippine Army, natanggap ng mga dating rebelde ang cash assistance sa isang turn-over rites sa headquarters ng 803rd Infantry Brigade ng Army sa Catarman, Northern Samar noong Biyernes, Agosto 12, 2022.

Sinabi ni Lt Col Degay na bawat isa sa mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ay nakatanggap ng cash assistance na Php5,000 habang ang mga sumuko na may dalang baril ay tumanggap ng karagdagang Php5,000 bilang bayad sa baril.

Umaasa ang mga awtoridad na ang programa ng gobyerno para sa mga dating rebelde ay mahikayat ang iba pang mga NPA na isuko ang kanilang mga armas at bumalik sa normal na pamumuhay.

Ang AICS ay bahagi ng mga serbisyong proteksiyon ng DSWD para sa mga indibidwal na itinuturing na mahirap, marginalized, at vulnerable o disadvantaged.

Ito rin ay umaakma sa pinahusay na Comprehensive Local Integration program na nagbibigay ng agarang transition assistance, allowance, livelihood assistance at firearms remuneration para sa mga regular na NPA na gustong bumalik sa batas at mamuhay ng normal kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe