Northern Samar – Nakatanggap ng tulong pangkabuhayan ang dalawang dating miyembro ng Communist Terrorists Group na sumuko sa First Northern Samar Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment na ginanap sa DOLE Northern Samar Field Office nitong Huwebes, Hulyo 7, 2022.
Ang nasabing grant ay iginawad ni G. Romeo T. Camarines Jr, DOLE Program Coordinator; Engr Mark Louie D. Daza; at ni Arielyn L. Fernandez, PESO Manager LGU-Catarman.
Nakatanggap ang isa ng anim na sako ng Hog Starter Pellets at tatlong biik habang ang isa naman ay tumanggap ng oven at baking supplies.
Pahayag ni PLtCol Oloan, “Matindi ang pagnanais ng gobyerno na tanggapin ang mga tumalikod sa kanilang armadong pakikibaka. Bilang mga tagapagpatupad ng batas, hindi lamang tayo tumutugon sa insurhensiya gamit ang mga baril at bala kundi pati na rin sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa komunidad.”
“Ang aming pinaigting na kampanya gaya ng community immersion ay nagbigay daan upang mas maliwanagan ang publiko sa mapanlinlang na recruitment na patuloy na ginagawa ng CPP-NPA-NDF,” dagdag pa niya.