Friday, December 27, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsFormer rebel sa Sibalom, Antique, nakatanggap ng tulong sa pamahalaan

Former rebel sa Sibalom, Antique, nakatanggap ng tulong sa pamahalaan

Nakatanggap ng financial assistance at livelihood program mula sa pamahalaan ang isang former rebel na sumuko kamakailan lamang sa kapulisan sa Sibalom Police Station sa Provincial Capitol ng Antique nitong Setyembre 22, 2022.

Kinilala ang nasabing former rebel na si Biloy na kasapi ng Kilusang Rehiyon-Panay’ (KR-P) ng New People’s Army (NPA) mula noong Mayo 2020.

Pinangunahan mismo ni Governor Rhodora J. Cadiao ang pagbahagi ng tulong sa nasabing former rebel na personal pang nag-abot ng Php10,000 at nagsabing may ibibigay pang dalawang alagang baboy para sa livelihood assistance.

Ang naturang former rebel ay makakatanggap pa ng karagdagang assistance mula sa national at provincial agencies ng pamahalaan matapos ang mga kinakailangang pagsusuri.

Nangako rin ang Department of Interior and Local Government (DILG) Regional Director na si Juan Jovian E. Ingeniero na magbahagi rin ng tulong kay Biloy kabilang na ang tulong na matatanggap nito mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng nasabing ahensya.

Sa ilalim ng ECLIP, makakatanggap ang mga miyembro ng militia ng Php15, 000 habang Php65,000 naman para sa mga regular na miyembro ng NPA.

Bukod pa sa mga matatanggap ni Biloy, nagbahagi rin si Sibalom Mayor Hon. Gian Carlo Occeña ng financial assistance at isang sakong bigas.

Samantala kabilang naman sa isinuko ni Biloy sa Sibalom PNP ang isang fragmentation grenade at isang 12-gauge rifle.

Ayon naman ni Police Major Renato Monreal II, Chief of Police, Sibalom MPS, na humina na ang mga operasyon ng rebeldeng NPA sa kanilang bayan,  dulot ito sa mga hakbang na isinasagawa ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC).

“Nakita gid natun nga very effective ang program sang government. That’s why nag we-weaken ang ila nga forces,” dagdag pa niya.

(Nakita naman natin na naging epektibo talaga ang programa ng pamahalaan, kaya humina ang kanilang (NPA) pwersa.)

Matatandaang nito lamang Agusto 19 nitong taon, kabuuang nasa 12 former rebels mula sa mga bayan ng Sibalom, Culasi, and Sebaste ang sumuko sa Antique Provincial Government.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe