Wednesday, December 25, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsFormer NPA rebel sa Negros Occidental, nakatanggap ng karagdagang assistance

Former NPA rebel sa Negros Occidental, nakatanggap ng karagdagang assistance

Himamaylan City, Negros Occidental- Muling nakatanggap ng karagdagang assistance ang mga dating NPA rebel mula sa lokal ng pamahalaan ng Himamaylan City nito lamang Biyernes, Nobyembre 11, 2022.

Tinatayang nasa kabuuang Php250,000 na additional cash at educational assistance ang naipamahagi ng lokal na pamahalaan sa nasabing mga former rebel sa ginanap na turn-over rites sa old City Hall sa Barangay 1 ng naturang lungsod.

Kabilang sa mga dumalo sa naturang tur-over rites ang mga tauhan ng Philippine Army, 94th Infantry Battalion, na siya ring nagsasaayos upang maipamigay ang nasabing assistance sa mga former rebels.

Ayon kay Capt. Eduardo Rarugal Jr., 94IB Civil-Military Operations Officer, ang naipamahagi ay sakop sa pangalawang tranche ng tulong para sa mga benepisyaryo na mga former combatant at miyembro ng Yunit Militia na boluntaryong sumuko noong Hulyo.

Bawat former rebel ay nakatanggap ng Php10,000 bilang agarang suporta mula sa lokal na pamahalaan habang hindi pa naibibigay ang assistance na kanilang matanggap sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.

Pinuri naman ni Lt. Col. Van Donald Almonte, 94IB Commander, ang lokal na pamahalaan ng Himamaylan City sa mga hakbang na ipinapatupad nito upang tuluyan ng wakasan ang insurhensya sa kanilang nasasakupan.

Matatandaang nito lamang Setyembre 27, parehong grupo ng mga former rebel ang nakatanggap ng Php200,000 na financial at educational assistance mula sa city government.

Kung saan 15 sa mga ito ay benepisyaryo ng cash aid na nagkakahalag ng Php10,000 kada miyembro habang sampu naman 10 sa mga ito ang nagbalik-aral kung saan nabigyan ng Php5,000 kada isa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe