Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsForeign National, kinitil ang sariling buhay matapos barilin ang asawa sa Sta....

Foreign National, kinitil ang sariling buhay matapos barilin ang asawa sa Sta. Rita, Samar

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang isang foreign national matapos barilin din nito ang kanya mismong asawa sa Bayan ng Sta. Rita, Samar nitong Marso 30, 2023.

Kinilala ng Sta. Rita Municipal Police Station ang dayuhan na si Connie Carl Kindrud, 75 anyos, isang Swedish National at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Dampigan sa nasabing bayan.

Pero bago pa man ang naturang insidente, napag-alaman na nagsasagawa ng negosasyon ang kapulisan sa nabanggit na dayuhan makaraang tapusin nito ang buhay ng kanyang asawa.

Kinilala ang asawa nitong si Lenny Cajefe Kindrud, 41 anyos at residente sa nasabing barangay na agad namang isinugod sa Ospital sa Lungsod ng Tacloban matapos magtamo ng tama ng bala sa katawan.

Lumalabas din sa pagsisiyasat na nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa na nagresulta ng pagbaril ng dayuhan sa kanyang pinay na asawa bandang alas 8:00 ng umaga.

Matapos ang naturang insidente ay naiwan ang dayuhan sa kanilang tahanan at makaraang ang negosasyon ng mga otoridad ay bigla na lamang itong bumunot ng baril at nagbaril sa sarili na kanya namang ikinasawi.

Naisugod pa sa Ospital ang nasabing dayuhan ngunit ideneklara itong dead-on-arrival.

Narekober naman ng mga otoridad ang isang Taurus Caliber 45 at mga basyo ng bala na pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pamamaslang.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe