Dinala ng Department of Tourism (DOT) sa Cebu nito lamang Biyernes, Nobiyembre 11, 2022, ang flagship food and travel festival, “Kaon Ta, Kain Pa!” Inuman at Pulutan, na nagtatampok ng 30 exhibitors mula sa siyam na rehiyon sa bansa, kabilang na ang Central Visayas.
Ang “Kaon Ta, Kain Pa!” ay isang flagship project ng DOT na naglalayong isulong ang food/gastronomy tourism. Ito ay naisip at idinisenyo upang mapanatili ang mga pagsisikap ng bansa sa pagsusulong nito bilang isang sentro para sa pagkain at gastronomy sa Asya sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga lokal na sangkap, kasanayan, at tradisyon sa mga tourist destination.
Sa pakikipagtulungan ng Ayala Center Cebu, ang festival ay tatakbo ng tatlong araw mula Nobyembre 11 hanggang 13, 2022, na nagbibigay-diin sa culinary dimension at rich food culture ng iba’t ibang destinasyon ng turismo sa bansa.
Tampok rito ang mga sariwang ani at produkto ng mga lokal na magsasaka, grupo sa komunidad at artisanal products of micro, small and medium enterprises, at iba pa.