Sunday, October 6, 2024

HomeNewsFixer ng Driver’s License, arestado

Fixer ng Driver’s License, arestado

Arestado ng mga miyembro ng Dumaguete City PNP ang isang fixer matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang dayuhan na pinangakuan para sa mabilis na pagkakaroon ng driver’s license.

Ayon sa ulat ng pulisya, sinabi ng biktimang si Denis Henri, isang French National, na kasalukuyang naninirahan sa Barangay Banilad, Bacong, Negros Oriental na nagbayad ito sa suspek ng Php15,000.00 para sa pagproseso ng kanyang professional driver’s license nitong Mayo 24, 2022 ngunit hanggang ngayon ay wala pa itong natatanggap.

Humingi ng tulong ang biktima sa Dumaguete PNP na agad namang nagsagawa ng entrapment operation na kung saan ang biktima ay nagpanggap na mag-aabot ng karagdagan pang bayad na Php9,000 sa suspek para mairelease na ang kanyang driver’s license.

Doon na tuluyang naaresto ang suspek na agad na dinala sa himpilan ng Dumaguete CPS para sa kaukulang disposisyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe