Friday, November 8, 2024

HomeNewsFish Porter sa Negros Occidental, ganap ng Licensed Professional Teacher

Fish Porter sa Negros Occidental, ganap ng Licensed Professional Teacher

Ganap ng lisensyadong guro ang isang fish porter sa bayan ng Valladolid sa Negros Occidental, matapos itong pumasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) 2023.

Hindi lubos makapaniwala si Hermi Jun Sabido, 30-anyos, graduate ng kursong Bachelor of Physical Education sa Bago City College, na kabilang siya sa mga pumasa na nasabing board exam.

Ayon sa kanyang pahayag sa programang Good Morning Philippines, sinabi ni Sabido na mula pa noong 2006, first year high school pa lamang siya ay nagatrabaho na ito sa Central Tabao Fish Market.

Ang tatay ni Sabido ay isang mangingisda at namayapa na dalawang taon na ang nakalipas, habang ang nanay naman nito ay nasa bahay lamang. 

Dagdag pa ni Sabido, pawang self-review lamang ang kanilang paghahanda kasama ng kanyang kapatid, ngunit siya lang ang nakapasa sa nasabing board exam. 

Sa ngayon, minabuti pa muna ni Sabido na manatili bilang fish porter habang naghahanda ito sa pagproseso sa kanyang lisensya at oathtaking.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe