Tuesday, January 28, 2025

HomeNewsFarmers Forum 2024 isinagawa sa Tigbauan, Iloilo

Farmers Forum 2024 isinagawa sa Tigbauan, Iloilo

Nagtipon tipon ang mga magsasaka mula sa Region 6 upang dumalo sa Farmers’ Forum 2024 na inorganisa ng Southeast Asian Fisheries Development Center Aquaculture Department nitong umaga Martes, ika-9 ng Hulyo, 2024 sa Multi-purpose Hall sa bayan ng Tigbauan, Iloilo.

Nag-anyaya ang SEAFDEC ng mga eksperto upang talakayin sa mga magsasaka kung anong uri ng isda at produktong aquaculture ang magandang pasukin.

Ang lokal na pamahalaan ng Iloilo ay patuloy na sumusuporta sa mga programa at inisyatibo tulad ng Farmers’ Forum 2024 upang mapabuti ang kabuhayan ng ating mga magsasaka. 

Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, nabibigyan ng tamang kaalaman at kasanayan ang ating mga magsasaka upang mapaunlad ang kanilang produksyon. 

Ang kooperasyon sa pagitan ng mga eksperto, institusyon, at pamahalaan ay susi sa matagumpay na pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa ating rehiyon. 

Buong pusong sinusuportahan ng lokal na pamahalaan ng Iloilo ang mga hakbang na naglalayong itaas ang antas ng kabuhayan at kaunlaran ng ating mga magsasaka tungo sa bagong pilipinas.

Source: Panay News

Panulat ni Justine 

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe