Nararanasan na ng siyam na Local Government Units (LGU) sa Negros Occidental ang matinding epekto ng Fall Armyworms, ayon sa panayam nito lamang ika-27 ng Hunyo kay Nilo Basco, Provincial Crop Protection Coordinator Section Chief ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA).
Ang mga apektadong lugar ay Himamaylan City, Isabela, Binalbagan, Moises Padilla, Ilog, Kabankalan City, La Castellana, Cauayan, at Murcia.
Base sa ulat, umabot na sa 40 barangay at 558.23 hektarya ng mais, saging, at tubo ang tinamaan ng peste.
Ang mabilis na pagkalat ng fall armyworms ay nagdulot ng malaking pinsala sa agrikultura ng probinsya, na nangangailangan ng agarang aksyon mula sa lokal na pamahalaan.
Sa ngayon, ang Provincial Agriculture Office ay nagsasagawa na ng mga hakbang upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng peste at matulungan ang mga magsasaka na apektado.
Sa harap ng ganitong suliranin, nananatiling nakatuon ang pamahalaan sa pagpapanatili ng kalusugan ng agrikultura ng bansa at sa pagbibigay ng suporta sa mga sektor na apektado ng kalamidad at peste.
Source: Watchmen Daily Journal
Panulat ni Justine