Saturday, October 5, 2024

HomeNewsEvent Organizer, timbog sa Buy-bust Operation sa Gandara Samar

Event Organizer, timbog sa Buy-bust Operation sa Gandara Samar

Samar – Arestado ang isang drug personality sa ikinasang operasyon ng Gandara Municipal Police Station katuwang ang Regional Intelligence Division-Tracker Team, PIU-SAMAR PPO at ang PDEA Samar Provincial Office nitong Lunes, Nobyembre 28, 2022 sa Brgy. Buñagan, Gandara, Samar.

Batay sa report, nahuli umano sa aktong nagbebenta ang suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa pulis na nagpanggap naman na bibili.

Kinilala naman ang naaresto na si Allon Cuaresma, 36 anyos, isang event organizer at residente ng Brgy. Buñagan, Gandara, Samar.

Nakumpiska sa posesyon ng suspek ang dalawang (2) transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu kasama na ang subject of sale.

Apat na pirasong transparent plastic sachet na may lamang crystalline substance, cellphone, drug paraphernalia at Php500.00 na marked money.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya na ng Gandara MPS si Cuaresma para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe