Sunday, July 7, 2024

HomeNewsEstudyante sa Siquijor, arestado sa operasyon kontra ilegal na droga

Estudyante sa Siquijor, arestado sa operasyon kontra ilegal na droga

Arestado ang isang college student sa isinagawang buy-bust ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA 7) at Siquijor Police Provincial Office bandang alas-7:00 ng umaga noong Martes, Hunyo 6, 2023 sa Barangay Helen, Larena, Siquijor.

Kinilala ang suspek na si Gerard Don Cortez, 19, residente ng nasabing lugar.

Nakuha sa kanya ang anim na pakete ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng Php6,800.

Ayon kay PDEA 7 Information Officer Leia Alcantara, isang buwan nilang isinailalim ang suspek sa case buildup matapos makatanggap ng impormasyon na sangkot umano ito sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung sino ang nagbigay kay Cortez ng mga ilegal na sangkap.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe