Sunday, June 30, 2024

HomeNational NewsEspiya ng NPA, arestado; armas at mga bala, kumpiskado

Espiya ng NPA, arestado; armas at mga bala, kumpiskado

Tiklo ang isang miyembro ng lokal na armadong grupo sa Guihulngan City, Negros Oriental sa magkatuwang na operasyon ng mga miyembro ng La Libertad PNP at 62nd Infantry “Unifier” Battalion noong ika-6 ng Nobyembre 2022.

Kinilala ang naaresto na si Tony T Elod alyas Tonyo, miyembro ng Yunit Milisya ng Central Negros 1, Komiteng Rehiyon Cebu, Bohol, Negros at Siquijor sa Sitio Mabato, Brgy Talaon, La Libertad, Negros Oriental.

Nakumpiska mula kay Elod ang isang unit ng .38 cal revolver at home-made shotgun at mga bala.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na ang naaresto ay isa sa mga inatasan ng mga armadong grupo (NPA) upang bantayan at magbigay alam sa galaw ng puwersa ng gobiyerno at nang makaiwas.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe