Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsErwan Huessaff bumisita sa Sagay City para sa shoot ng kanyang vlog...

Erwan Huessaff bumisita sa Sagay City para sa shoot ng kanyang vlog na “Featr”

Bumisita ang sikat na food and adventure vlogger na si Erwan Huesaff sa Sagay City, Negros Occidental kahapon, Mayo 11, 2023 para sa huling shooting ng kanyang vlog na “Featr” sa lalawigan.

Kabilang sa kanyang pinuntahan ang Enteng’s Special sa lungsod, kung saan sinubukan nito ang iba’t ibang family dishes at cuisine sa lungsod gaya ng kinilaw, lechon de leche, at iba pang mga seafood menu. Kasabay ng naturang shoot, nakipagkwentohan din si Erwan sa mga may-ari ng nasabing sikat na kainan na sina Enteng at Mark Lobaton.

Si Vicente “Enteng” Lobaton ay tinaguriang “Kinilaw Artist” ng kilalang food writer na si Doreen Fernandez.

Naifeature eto sa Madrid Fusion habang ang kanyang anak naman na si Mark Lobaton ay sumunod din sa yapak ng kanyang ama.

Ang Entengs sa Sagay City ay sumikat sa iba’t ibang culinary show at mga magazine kabilang na dito ang kanilang fish ceviche recipe na nafeature sa “Kinilaw” ng Philippines Freshness.

Ang Featr naman ay isang digital video channel kung saan itinatampok ang iba’t ibang mga pagkain, travel, Filipino culture, at mga magagandang istorya sa hapagkainan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe