Friday, January 10, 2025

HomeNewsEngrandeng Mosque, pangarap ng mga Muslim sa Cebu

Engrandeng Mosque, pangarap ng mga Muslim sa Cebu

Ang Cebu ay dapat magkaroon ng sarili nitong grand mosque para magkaisa ang 6,000 Muslim community nito.

Ito ang pahayag ni Dr. Ijodin Saripada Mamacol, Executive Director ng Office of Muslim Affairs and Indigenous Cultural Communities, noong Miyerkules, Hunyo 28, 2023 sa pagdiriwang ng Eid’l Adha.

Sinabi ni Mamacol na ang Cebu City ang tanging pangunahing lungsod sa bansa na patuloy na kulang sa isang engrandeng mosque sa kabila ng malaking bilang ng mga Muslim faithful dito.

“As you can see, bukod sa [Manila Golden] Mosque sa Manila, may mga grand mosque din ang ibang major cities sa Pilipinas, gaya ng Davao, Iligan at Cagayan de Oro. Ang Cebu City lang ang wala,” pahayag nito noong Martes, Hunyo 27.

Aniya, hindi lamang makabubuti na pag-isahin ang mga Muslim sa Cebu nang buo, kundi makakaakit din ito ng mga pilgrims mula sa ibang bahagi ng bansa patungo sa lungsod.

Ibinunyag ni Mamacol na may mga plano na ang pagpapatayo ng isang engrandeng mosque kahit noong administrasyon pa ni dating Mayor Tomas Osmeña.

Gayunpaman, hindi malinaw kung bakit hindi natuloy ang proyekto.

Ang pamayanang Muslim ay nananatiling umaasa na ang nakalimutang proyekto ay mabubuhay.

“Ito talaga ay isang plano na magkakaroon tayo ng ating engrandeng mosque, dinala ko na ito kay Mayor [Michael Rama] at sa iba pang konseho,” saad pa nito.

Sinabi ni Mamacol na nakikipag-usap na sila sa mga opisyal ng lungsod hinggil sa kanilang kahilingan, bagamat wala pang pormal na pagpaplano.

Iginiit niya na ang pagtatayo ng isang grand mosque ay magsasama-sama ng lahat ng mga Muslim sa Cebu City, partikular na dahil lahat sila ay nagmula sa magkakaibang etniko at kultura.

Ayon kay Mamacol, 80 porsiyento o humigit-kumulang 4,800 Muslim sa lungsod ay mula sa tribong Maranao, isang etnikong grupong katutubo sa rehiyon sa paligid ng Lanao Lake sa Mindanao.

Ang nalalabi sa mga Muslim ay mula sa mga tribong Maguindanaon at Tausug.

Batid niya na may mga mas maliliit na mosque sa lungsod ngunit isang engrandeng mosque ang magtitipun-tipon sa kanila sa isang lugar sa mga mahahalagang holiday, tulad ng Eid’l Fitr, o pagtatapos ng Ramadan, at Eid’l Adha, o ang Pista ng Sakripisyo.

Kabilang sa mga kilalang mosque sa Cebu City ay ang Sittie Mariam Masjed sa Barangay Pahina Central at Al-Khaimah Masjed sa Barangay Mambaling.

Sinabi ni Anzhira Malawani, isang 30-anyos na Maranao na lumipat mula sa Iligan City, na ang pagtatayo ng isang grand mosque ay lilikha ng pagkakakilanlan sa mga Muslim sa Cebu.

“Maraming Muslim mula sa iba’t ibang tribo. So if there is a grand mosque instead of segregating ourselves from others, we will all gather together during big events,” pahayag nito noong Miyerkules.

Para sa 42-taong gulang na si Maranao Asnawi Bao, na nagmula sa Lanao del Sur, hinihikayat nito ang mga kabataang Muslim na mas makisali sa mga gawaing pangrelihiyon.

“Like sa Manila, meron silang Golden Mosque. Makakatipon sila ng daan-daan hanggang libu-libong tao para magdasal doon tuwing Biyernes,” sabi ni Bao.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe