Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsEngkwentro sa pagitan ng NPA at sundalo muling naganap sa Guihulngan City,...

Engkwentro sa pagitan ng NPA at sundalo muling naganap sa Guihulngan City, NegOr

Muling naganap ang engkwentro sa pagitan ng mga rebeldeng NPA at ng mga tauhan ng 62nd Infantry Battalion ng Philippine Army nitong hapon ng Oktubre 12, 2022 sa Barangay Calupaan sa Guihulngan City, Negros Oriental.

Ayon kay Brigadier General Inocencio Pasaporte, Commander, 303rd Infantry Brigade ng Philippine Army, naganap ang sagupaan matapos magsagawa ng security patrol ang 62nd IB sa Barangay Calupa-an, Guihulngan City kasunod ng mga report mula sa mga residente na mayroong mga rebelde sa nasabing barangay.

Tinatayang nasa limang kasapi ng komunistang NPA mula sa Central Negros One ang nakasagupa ng mga sundalo na tumagal ng ilang mga minuto.

Pahayag naman ni Pasaporte na patuloy pang nagsasagawa ng pursuit operation ang mga militar laban sa mga rebelde habang may nakita namang mga marka ng dugo sa ibang bahagi ng encounter site.

Wala namang naiulat na nasawi sa nasabing engwkentro.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe