Arestado ang isang empleyado ng DPWH 1st District Engineering Office ng Northern Samar sa isinagawang operasyon ng mga operatiba sa Catarman, Northern Samar noong Setyembre 28, 2022.
Nakilala ang suspek na si Archie Azula, 27 anyos at residente ng Brgy. Dalakit, Catarman, Northern Samar.
Nahuli ang nasabing drug personality matapos ang matagumpay na operasyon ng pinagsamang pwersa ng Catarman Municipal Police Station at Provincial Drug Enforcement Unit.
Positibo namang nakuha sa suspek ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu, Php500 at Php1,000 marked money na ginamit sa nasabing operasyon.
Kasalukuyan naman itong nasa kustodiya ng Catarman Municipal Police Station at posibleng maharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.