Tuesday, December 24, 2024

HomeUncategorizedEmergency Equipment, handog ng Alkalde ng Jordan sa Guimaras 

Emergency Equipment, handog ng Alkalde ng Jordan sa Guimaras 

Pormal na iginawad ni Hon. Cresente P. Chavez, Jr., Mayor ng Jordan, Guimaras ang kompletong set ng emergency kit, spine board, at indibidwal na personal emergency kit sa anim na barangay sa kanyang nasasakupan, nito lamang ika-7 ng Setyemebre 2024. 

Ang mga barangay na nakatanggap ng mga nasabing kagamitan ay ang Rizal, Espinosa, Morobuan, Bugnay, Balcon Maravilla, at Balcon Melliza.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na palakasin ang kakayahan ng mga barangay sa agarang pagtugon sa mga emergency. 

Naglalaman ang mga emergency kit ng mga pangunahing kagamitan na kinakailangan sa oras ng sakuna, habang ang spine board ay espesyal na gamit para sa ligtas na pag-aalalay sa mga nasugatan.

Ayon sa pahayag ni Mayor Chavez, ang pag-aasikaso sa kaligtasan at kaayusan ng bawat barangay ay mahalaga upang matiyak ang mabilis na tugon sa oras ng pangangailangan ng mamamayan.

Ang pag-abot ng mga emergency kits ay tinanggap ng mga kinatawan ng mga nasabing barangay nang may kasiyahan at pasasalamat.

Ito ay inaasahang magpapalakas sa kapasidad ng mga barangay sa pag-handle ng mga emergency situations at makakatulong sa mas mabilis na pagresponde sa mga pangyayari na maaaring magdulot ng panganib sa kanilang komunidad.

Source: LGU Jordan

Panulat ni Justine 

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe