Binigyang diin ng Hepe ng PNP Regional Office 8 sa Eastern Visayas na ang aktibong pakikiisa ng komunidad at pagtugon sa mga ugat ng kriminalidad ang nananatiling mahalagang hakbang upang mapigilan ang mga krimen.
Sinabi ni PNP Regional Director, Police Brigadier General Vincent Calanoga na bagaman ang mga law enforcer ang nagpapatupad ng crime prevention efforts, kinakailangan pa rin ang partisipasyon at kooperasyon ng iba’t ibang sektor at mga nasa gobyerno, pati na rin ng civil society.
Hinimok din ni PBGen Calanoga ang mga ahensya ng pamahalaan na makilahok sa mga aktibidad sa National Crime Prevention Week upang mapalakas ang kanilang mga programa at matugunan ang mga ugat ng mga krimen sa lugar.