Tuesday, December 24, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesEastern Visayas Enrolment, umakyat na sa 752K

Eastern Visayas Enrolment, umakyat na sa 752K

Hindi bababa sa 752,010 na Elementary at High School learners sa Eastern Visayas ang nagparehistro sa unang dalawang linggo ng enrolment para sa nalalapit na school year, ayon sa Department of Education nitong Martes, Agosto 9, 2022.

Ang bilang ay kumakatawan sa 58 porsiyento ng 1.29 milyong estudyante mula Kindergarten hanggang Senior High School na naitala noong academic year 2021 hanggang 2022, ani DepEd Regional Information Officer Jazmin Calzita sa isang panayam sa telepono.

“Lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ay nagsumite ng kanilang data para sa quick count mula noong Hulyo 25 na unang araw ng enrolment. Mayroon pang dalawang linggo bago ang pagbubukas ng paaralan sa Agosto 22”, sabi ni Calzita.

Samantala, sinabi ni Calzita na lahat ng paaralan sa rehiyon ay handa na para sa face-to-face classes maliban sa mga lugar sa Southern Leyte na lubhang naapektuhan ng Bagyong Odette noong Disyembre 2021 at sa ilang bahagi ng Baybay City at Abuyog, Leyte na tinamaan ng malawakang landslide noong Abril ngayong taon.

Sinabi rin ni Calzita na inirekomenda lamang ng DepEd ang limang araw na in-person classes, blended learning modality, at full distance learning hanggang Oktubre 31 ngayong taon.

Simula Nobyembre 2, lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ay kailangang lumipat na sa limang araw ng face-to-face classes.

Walang paaralan ang papayagang magpatupad ng puro distance learning o blended learning maliban sa mga nagpapatupad ng alternatibong delivery modes alinsunod sa department order na inisyu noong 2019.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe