Bago pa man mag-landfall ang Bagyong #TinoPH, tiniyak ng DSWD Field Office (FO) Negros Island Region (NIR) na may sapat silang suplay ng family food packs (FFPs) na nakahanda para sa posibleng augmentation request ng mga lokal na pamahalaan sa rehiyon.

Katuwang ang Reserved Infantry Battalion ng 605th Community Defense Center, sinimulan na ng DSWD FO-NIR nitong Lunes (Nobyembre 3) ang pagpre-position ng 2,000 family food packs (FFPs) sa Lungsod ng Kabankalan, Negros Occidental para matiyak ang maagap na pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang maaaring maapektuhan ng Bagyong #TinoPH.
Ang inisyatibang ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyakin ang kahandaan ng pamahalaan sa pagresponde sa panahon ng mga kalamidad.