DSWD 8, nagpaabot ng tulong sa 110 pamilyang nasalanta ng mga nakaraang bagyo

0
16

Nagpaabot ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas sa 110 pamilya sa Bato, Leyte nito lamang Nobyembre 13, 2025 na nawalan ng tirahan dahil sa magkakasunod na kalamidad.

Sa pamamagitan ng Angels in Red Vests, namahagi ang DSWD ng family food boxes (FFB), tig-dadalawang 6.6-liters na bottled water, family kit, kitchen kit, modular tent, at sleeping kit para sa pitong pamilyang nawalan ng bahay dahil sa Bagyong Tino, at 103 pamilyang naapektuhan ng kamakailang sunog.

Bukod sa mga relief goods, nagbigay rin ang ahensya ng tulong-pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Samantala, patuloy pa ring tumutugon ang DSWD sa mga kahilingan para sa augmentation mula sa mga Local Government Units na naapektuhan ng sunod-sunod na pagdating ng mga bagyo at malalakas na pag-ulan.

Panulat ni Cami
Source: RMN Tacloban

Leave a Reply