Mas pinalawak pa ng Department of Social Welfare and Development Eastern Visayas (DSWD-8) ang pagsasagawa ng family development session (FDS) para sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ang pamamahagi ng mga FDS kits sa 500 municipal at city links sa rehiyon.
Ayon sa DSWD Regional Office 8, bahagi ang nasabing aktibidad sa mga inisyatibo ng ahensya upang mas mapalakas ang kanilang social protection programs maging ng pagbibigay suporta sa kanilang mga frontline workers para makapaghatid ng sebisyo sa bawat pamilya at komunidad sa Eastern Visayas.
Ang naturang mga kits ay naipamahagi sa anim na lalawigan sa rehiyon simula December 26 hanggang December 27, 2025, na naglalaman ng mga mahalagang kagamitan para sa pagssasagawa ng FDS gaya na lamang ng Manila paper, bond paper, meta cards, coloring materials, pens at mga board markers.
“The kits are expected to support municipal and city links in delivering more structured, engaging, and high-quality FDS, which serve as a key platform for promoting responsible parenthood, child welfare, health, nutrition, and other social development topics among 4Ps households,” saad pa ng DSWD.
Ang FDS ay ang regular na monthly meeting para sa lahat ng mga 4Ps beneficiaries upang maturuan ang mga miyembro ng mga programang pangkabuhayan at pag-unlad.
