Isang Drug Rehabilitation Facility ang malapit ng itayo para sa mga sumukong drug surrenderer sa Mandaue City sa ikaapat na quarter ng taong ito.
Sa pahayag ni Atty. Ebenezer Daryl Manzano, pinuno ng Mandaue City Substance Abuse and Prevention Office (MCSAPO), noong Sabado, Hulyo 29, 2023, ang proyekto ay tinalakay sa pulong sa pagitan ng MCSAPO, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong Miyerkules, Hulyo 26.
Ang programang tinatawag na Balay Silangan, na binuo ng PDEA sa ilalim ng direksyon ng DILG, ay naglalayong magpatibay ng isang family-based in-house reformation sa pamamagitan ng pagbibigay ng interbensyon, pagpapayo, at kabuhayan upang matulungan ang mga drug offenders na maging produktibo at masunurin sa batas na mga mamamayan sa kanilang muling pagsama sa lipunan.
Sinabi ni Manzano na ang lumang gusali ng Department of General Services (DGS) na matatagpuan sa Sitio Dungguan, Barangay Basak ay ire-renovate ng lungsod para maging Bahay Silangan Reformation facility.
Aniya, pagkatapos makumpleto ang pagsasaayos, inaasahang mangyayari sa ikaapat na quarter ng taong ito at hindi bababa sa 194 na drug surrenderers ang papayagang makapasok sa pasilidad ng Balay Silangan.
“They (drug surrenderers) will be there for a one-month mandatory in-house stay which will be shouldered by the Mandaue City government,” said Manzano, adding this is one of their approaches to combat illegal drugs and produce more drug-cleared barangays.
Sa kasalukuyan, mayroong 10 sa 27 barangay ang Mandaue na idineklarang drug cleared.
Ito ay ang mga barangay Subangdaku, Bakilid, Tabok, Labogon, Tipolo, Canduman, Casuntingan, Paknaan, Maguikay at Mantuyong.