Nabuwag ng mga tauhan ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company, 4th Maneuver Platoon, Marabut MPS-SDET at PDEA8-SPO (Lead Unit) ang isang drug den sa isinagawang buy-bust operation at nahuli ang pitong indibidwal sa Barangay Mabuhay, Marabut, Samar noong Mayo 9, 2024 bandang 6:00 ng gabi.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas “Loloy” (maintainer), alyas “Daisy” (employee), alyas “Nitoy” (visitor), alyas “Ben” (visitor), alyas “Karding” (visitor), alyas “Lando” (visitor), at alyas “Jun” (visitor).
Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang piraso ng plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na humigit kumulang 12.14 gramo na may tinatayang halagang Php97,120 at iba’t ibang drug paraphernalia.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o mas kilala bilang RA 9165.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagtugis sa mga nagkasala at patuloy na nagkakasala sa batas upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan at katahimikan sa ating bansa.
Panulat ni Rims