Saturday, October 5, 2024

HomeNewsDrug Den sa Cebu City, nabuwag; tatlong drug suspek, arestado

Drug Den sa Cebu City, nabuwag; tatlong drug suspek, arestado

Timbog ang tatlong drug suspek at tagumpay na nabuwag ang isang drug den sa operasyon na ikinasa ng mga operatiba ng PDEA 7 Regional Special Enforcement Team sa Sitio Upper Yati, Barangay Quiot Pardo, Cebu City noong Agosto 16,2022.

Kabilang sa mga naaresto ang drug den maintainer at subject ng operasyon na si Helbert L. Gallendo, 46, at ang mga bisita ng drug den na sina Maria Elena D. Gimena, 40, at Alvin T. Piala, 48.

Nakumpiska sa operasyon ang limang (5) pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 10 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php68,000.00, buy-bust money, at mga drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, at 15 ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe