Saturday, October 5, 2024

HomeNewsDrug Den sa Calbayog City, nabuwag; Php102k halaga ng shabu, nasamsam

Drug Den sa Calbayog City, nabuwag; Php102k halaga ng shabu, nasamsam

Samar – Nabuwag ang isang drug den kasabay ng pagkaka-aresto sa apat (4) na drug personalities matapos ang matagumpay na drug buy-bust operation ng mga operatiba sa Purok 2, Brgy Bagacay, Calbayog City, Samar nitong nakaraang Sabado, November 26, 2022.

Kinilala ang mga naaresto na sina Elmo Valius y Duero alyas “Elmo” (maintainer); Susan Senilla y Vellegas (co-maintainer), John Edsel Valius y Senilla (co-maintainer), Edilberto Senilla y Igana (visitor).

Samantala, isa pang indibidwal na kinilalang si alyas “Boknoy Tambis” ang nakatakas at pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad.

Narekober mula sa mga suspek ang iba’t-ibang drug paraphernalia kasama na ang ilang sachet ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 15 gramo at may tinatayang halaga na nasa humigit-kumulang Php102,000.00.

Ang nasabing mga suspek ay kasalukuyang nakadetene sa Calbayog City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe