Sunday, November 24, 2024

HomeNewsDrug den maintainer at 4 na iba pa, arestado sa buy-bust sa...

Drug den maintainer at 4 na iba pa, arestado sa buy-bust sa Mambaling Cebu City

Humantong sa pagkakadakip sa limang katao ang pagsalakay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA 7) sa isang drug den sa Sitio Tugas, Barangay Mambaling, Cebu City noong Biyernes ng hapon, Enero 6, 2023.

Kabilang sa mga nahuli ay ang mga suspek na sina Christ Jay Abellanosa, 27; Juvelyn Tabalin, 30; Pacito Jorge Campos, 36; at Ramon Tabalin, 55, na naaktohang sumisinghot ng shabu at ang target ng operasyon at drug maintainer na si Rogelio Camilo Jr., alyas Butchoy, 46-anyos.

Nakuha sa mga suspek ang pitong sachet ng shabu na tumitimbang ng 10 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P68,000.

Narekober din ng mga operatiba ang P240 buy-bust money gayundin ang mga nalikom mula sa illegal drug trade at ilang drug paraphernalia.

Ang mga nakalap na ebidensya ay itinurn-over sa laboratoryo ng PDEA 7 para sa pagsusuri.

Ayon kay Leia Albiar Alcantara, PDEA 7 information officer, itinuturing nilang high-impact operation ang pagbuwag sa isang drug den dahil ito ang naging breeding ground ng mga kriminal.

Sinabi niya na ang operasyon noong Biyernes ang una nilang laban sa isang drug den ngayong taon matapos magsagawa ng case build-up sa loob ng isang buwan.

Nakatanggap umano sila ng impormasyon mula sa isang residente na si Camilo ay nagbebenta ng 20 gramo ng shabu kada linggo.

Sinabi niya na karamihan sa kanyang mga customer ay mga construction worker, taxi driver at mga taong walang trabaho.

Ayon kay Alcantara na inihahanda na nilang kasuhan ang limang suspek ng paglabag sa ilang seksyon ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa harap ng tanggapan ng piskalya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe