Monday, January 27, 2025

HomeNewsDriver ng DepEd, timbog sa kasong pagnanakaw sa SP Secretary ng lalawigan...

Driver ng DepEd, timbog sa kasong pagnanakaw sa SP Secretary ng lalawigan ng Eastern Samar

E. Samar – Arestado ng kapulisan ng Eastern Samar ang isang driver ng DepEd Regional Office 8 dahil sa pagkakasangkot nito sa kasong pagnanakaw ng pera na nagkakahalaga ng Php84,500 nitong Setyembre 26, 2022 sa Brgy. Songco, Borongan City.

Kinilala ang suspek na si Nieto Yerro y Elizaga alyas “Tito”, 56 anyos, driver at regular na empleyado ng DepEd Regional Office 8 sa loob ng 21 taon at residente ng Nula-tula sa Lungsod ng Tacloban.

Sa eksklusibong panayam sa biktima na kinilala na si Mr. Franklin Robedizo, Secretary ng Sangguniang Panlalawigan ng Eastern Samar, sinabi nito na natangay sa kanya ang nasabing halaga na inutang pa man lang din niya sa OCCI – Borongan na gagamitin sana na pang-matrikula ng kanyang mga anak.

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman na nangyari ang insidente habang nasa Sangguniang Panlalawigan (SP) Committee Meeting ang biktima sa Melinda’s Resort and Restaurant sa Brgy. Songco, Borongan City nang hindi namalayang binuksan na pala ng suspek ang kanyang kotse at kalauna’y natuklasan na wala na ang nasabing halaga ng pera sa kanyang sasakyan.

Agad namang natukoy ang pagkaka-kilanlan ng nasabing suspek matapos na mahagip ito ng CCTV footage sa nasabing resort at batay narin sa testimonya ng isang saksi.

Sa pinagsanib na pwersa ng Eastern Samar CIDG at Borongan City Police Station, naaresto ang naturang suspek matapos ang isinagawang hot pursuit operation sa bayan ng Paranas, Samar noong Martes, September 27, 2022.

Kaugnay dito, ibinalik naman ng suspek ang nasa Php52,500 bahagi ng pera na kanyang ninakaw at inamin din nito ang naturang pagkakasala.

Pinasalamatan naman ng biktima ang DepEd Eastern Samar, Borongan City Division at Melinda’s Resort para sa mabilis na aksyon at pakikipagtulungan nito para sa agarang ikadarakip ng suspek.

Ang suspek ay kasalukuyan ng nasa kustodiya ng Eastern Samar – CIDG at nahaharap sa kasong ‘Theft’.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe