Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsDriver at pahinante, nakaligtas sa pagsabog matapos bumangga ang minamanehong truck na...

Driver at pahinante, nakaligtas sa pagsabog matapos bumangga ang minamanehong truck na may kargang LPG sa Southern Leyte

Nakaligtas ang isang driver at ang kanyang pahinante matapos mabangga at masunog ang kanilang wing van truck na may kargang 700 Liquefied Petroleum Gas (LPG) tank sa Barangay San Vicente, Bontoc, Southern Leyte, nito lamang Sabado, Hunyo 11, 2022.

Ang ulat na nakarating sa Police Regional Office PRO-8 headquarters noong Lunes, Hunyo 13, ang driver na si Raymund Entia, 38, esidente ng Kiblawan, Davao del Sur, ay nawalan umano ng preno habang binabaybay ang isang kurbada at pababang bahagi ng national highway sa gabi ng araw na iyon.

Nabangga ang minamaneho nitong truck sa isang concrete barrier at sumabog ang mga tangke ng LPG na nagdulot ng sunog.

Samantala ligtas namang nakalabas ang driver at ng kanyang pahinante na si Hermes Barason, 22, residente ng Kidapawan City, bago ito sumabog. Nagtamo ang dalawa ng mga sugat sa katawan na agad namang dinala ng mga rumespondeng pulis sa Sogod District Hospital sa Sogod, Southern Leyte.

Agad ding rumesponde sa aksidente ang mga tauhan ng Bontoc Fire Station, Sogod Fire Station, Tomas Oppus Fire Station, at Southern Leyte Electric Cooperative upang maapula ang apoy.

Patungo sana sa Davao City ang van mula Pasay City para maghatid ng 700 tangke ng LPG nang mangyari ang aksidente.

Source: Manila Bulletin | https://mb.com.ph/2022/06/13/driver-helper-survive-explosion-after-truck-loaded-with-lpg-crashes-in-southern-leyte/?fbclid=IwAR3E0Z8VDxhtyMyVnI8qZeC2h624DfzIX6-W2XN7vyOF0m5dE8g4hIKPJko

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe