Saturday, November 9, 2024

HomeNewsDPWH, nagpaalala sa mga truckers na sundin ang San Juanico Bridge load...

DPWH, nagpaalala sa mga truckers na sundin ang San Juanico Bridge load limit

Hiniling ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office 8 sa mga truckers na sumunod sa batas laban sa overloading kasunod ng insidente kamakailan kung saan nabasag ang ehe ng isang trak habang dumadaan sa San Juanico Bridge.

Panawagan ni DPWH Eastern Visayas Regional Director Edgar Tabacon nitong Lunes na kooperasyon ng mga truckers at hauling service provider na sumunod sa kani-kanilang gross vehicle weight (GVW) at axle load limits.

Ang Republic Act No. 8794 o ang Anti-Overloading Law ay nag-uutos na ang bigat ng isang trak ay hindi dapat lumampas sa 13.5 tonelada.

Noong Nobyembre 3, isang trak na patungo sa Samar ang nabali ang ehe habang binabagtas ang San Juanico Bridge. Mabuti na lang at walang nasugatan na motorista at hindi nasira ang rehas ng tulay.

“Upon investigation, it was discovered that the said truck evaded the San Juanico Weighbridge or the portable axle weighing station, and continued traversing the said bridge without undergoing a weight check to determine whether or not its weight is within the allowable gross vehicle weight,” sinabi ni Tabacon.

Dagdag pa ng opisyal, inatasan na nila ang lahat ng mga trak na sumailalim sa weight checks sa kanilang mga itinalagang weighbridge station sa magkabilang panig ng San Juanico Bridge na nag-uugnay sa mga isla ng Leyte at Samar.

“Ang weight checkpoint na ito ay isinasagawa upang maiwasan ang pagkasira sa ating iconic na San Juanico Bridge, na isa sa pinakamahalagang istruktura, bilang bahagi ng Pan-Philippine Highway na nagkokonekta sa Luzon patungong Mindanao, bringing significant economic improvement to the entire country,” dagdag ni Tabacon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe