Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsDPWH–Leyte 4th DEO, nakiisa sa pagdiriwang ng Autism Consciousness Week 2023

DPWH–Leyte 4th DEO, nakiisa sa pagdiriwang ng Autism Consciousness Week 2023

Ormoc City – Bilang bahagi ng kick-off ceremony para sa pagdiriwang ng National Autism Consciousness Week, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) – Leyte 4th District Engineering Office (DEO) na kinatawan ni Assistant District Engineer Irwin L. Antonio at Administrative Section na si Chief Glenda F. Quiñones ay nakilahok sa Signing of the Pledge of Commitment kasama ang mga local government unit officials ng Ormoc City at iba’t ibang stakeholders noong Enero 16, 2023 sa Ormoc City Hall.

Ang pledge of commitment ay naglalayon na isulong ang pagtanggap, akomodasyon at pagpapahalaga ng mga tao sa autism spectrum at upang pigilan ang mga tao na gamitin ang “autistic” bilang isang mapanirang termino.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Ormoc City SPED Integrated School (OCSIS) mula pa noong Enero 16 hanggang Enero 20, 2023 na kinabibilangan ng mga aktibidad tulad ng Symposium Autism Awareness, Arts and Crafts, at Mother and Child Talent Show.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe