Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsDPWH Eastern Visayas, tinitignan ang mabilisang pagsasaayos ng Marabong Bridge sa Leyte

DPWH Eastern Visayas, tinitignan ang mabilisang pagsasaayos ng Marabong Bridge sa Leyte

Leyte – Tinignan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Eastern Visayas Director Edgar B. Tabacon sa kanyang on-site inspection ang coat estimation ng pansamantalang restoration ng Marabong Bridge sa Brgy. Moguing, Burauen, Leyte noong Oktubre 30, 2022.

Inatasan ni Regional Director Tabacon ang Leyte 2nd District Engineering Office (DEO) Maintenance section na pabilisin ang pagtatantya ng gastos para sa pansamantalang restoration ng tulay. Ito ay ayon sa direktiba ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan na agad na magsagawa ng mitigating measures para madaanan ang tulay.

Hiniling ng DPWH 8 ang Quick Response Fund (QRF) mula sa Kagawaran upang magamit ng publiko ang tulay sa lalong madaling panahon.

“Immediate repair of the Marabong bridge is our number one priority as of the moment. Ang tulay na ito ay nagdudulot ng kaginhawahan sa mga tao lalo na ang pagpunta sa La Paz ay 20 minuto lang ang layo. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating tiyakin na ang tulay na ito ay magiging bukas sa lalong madaling panahon”, ani RD Tabacon.

Sa panahon ng inspeksyon, tinukoy ng DPWH 8 ang mga opsyon kung paano pansamantalang madadaanan ang tulay, tulad ng brige over bridge, o jacking of girder upang makuha ang orihinal na pagkakahanay ng tulay at magbigay ng mga mitigating structures tulad ng gabions mattress sa paligid ng mga pier.

Sa pananalasa ng severe tropical storm noong Oktubre 28, 2022, ang Marabong Bridge na bahagi ng Jaro-Dagami-Burauen-La Paz road ay bumigay nang masira ang pundasyon nito ng Pier 3 at 4 at nagresulta sa pagbagsak ng tulay.

Simula Oktubre 30, 2022, ang Marabong Bridge ay sarado sa mga motorista mula Burauen, Leyte na patungo sa La Paz, Leyte ay pinapayuhan na dumaan sa Burauen-Julita-Dulag-Mayorga-La Paz road at vice versa.

Tinitiyak ni RD Tabacon na ang kahilingan para sa pagpopondo ay agad na isusumite at umaasa na ang pansamantalang pagpapanumbalik ay maipapatupad sa mga susunod na linggo.

Kasama rin sa on-site inspection sina DPWH Regional Office 8 Chief of Maintenance Division Engr. Lucas N. Bacsal, Chief of Inspectorate section Engr. Toribio R. Odtuhan at DPWH Leyte 2nd DEO District Maintenance Engineer Michael Cabangisan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe