Friday, November 15, 2024

HomeUncategorizedDOLE, nagbigay ng mahigit Php747K na tulong sa mga Surfing Organizations sa...

DOLE, nagbigay ng mahigit Php747K na tulong sa mga Surfing Organizations sa Calicoan

Ang Department of Labor and Employment (DOLE), ay nagbigay ng mahigit Php747,000 na tulong sa tatlong surfing schools at isang surfboard maker sa Calicoan Island. Ang tulong ay ibinigay sa pagbubukas ng 14th Calicoan Odyssey Waves Surfing National event, na dinaluhan ni Guiuan Municipal Administrator, Kinna Kwan nito lamang Oktubre 13, 2024.

Ang tatlong surfing schools ay ang ABCD Surf, Calicoan Local Surfers, at The Backyard Surf, habang ang surfboard maker naman ay ang Samrayan Surfboard. Sa tulong na ito mula sa gobyerno, umaasa ang lokal na pamahalaan ng Guiuan na maitaguyod ang sustainable livelihoods para sa mga surfers sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga bisita kung paano mag-surf sa Calicoan.

Hindi lamang magkakaroon ng pagkakataon ang mga surfers na kumita sa pamamagitan ng mga surfing competitions na ginaganap sa Calicoan. Ang mga pondong natanggap ng mga grupo ay gagamitin upang bumili ng mga kagamitan na kinakailangan para sa operasyon ng kanilang mga surfing schools.

Ang desisyon na magbigay ng tulong sa mga surfers sa Calicoan ay naganap matapos makipagtulungan ang DOLE sa LGU Guiuan sa pagpapatupad ng DOLE Integrated Livelihood Program, kilala rin bilang Kabuhayan Program, kung saan iminungkahi ng LGU ang pagbibigay ng tulong sa mga surfers.

Sa kasalukuyan, ang 14th Calicoan Odyssey Waves Surfing National event ay isinasagawa, na nagtatampok ng 140 surfers mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa sa Calicoan bilang bahagi ng kompetisyon. Ang kaganapan ay ginaganap sa ABCD break (Advance Base Construction Depot), isang makasaysayang lugar sa munisipalidad ng Guiuan na ginamit ng mga sundalong Amerikano noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang 14th Calicoan Odyssey Waves Surfing National ay inorganisa ng Munisipalidad ng Guiuan sa pakikipagtulungan sa mga lokal na surfing organizations sa Calicoan Island: ABCD Surf, Calicoan Local Surfers, Samrayan Surfboards, at The Backyard Surf Co. Ito ay may pahintulot ng United Philippine Surfing Association at kinikilala ng Philippine Sports Commission at ng Philippine Olympic Committee.

Kasama sa mga sponsor ang 4Ps Partylist, Andok’s, Sandirini Resort, Calicoan Villa, Lucky Ellie, at Fin Cafe.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe