Monday, December 23, 2024

HomeHealthDOH, nagbabala sa publiko sa panganib sa kalusugan ngayong Kuwaresma

DOH, nagbabala sa publiko sa panganib sa kalusugan ngayong Kuwaresma

Inalerto ng Department of Health (DOH) Regional Office ang publiko sa mga potensyal na panganib sa kalusugan na kaakibat ng traditional week-long Lenten activities.

Nagbigay ang DOH ng paalala sa pagsasagawa ng pagtitipon gaya ng religious gatherings, reunion at paglalakbay sa ibang bansa habang hindi pa gaanong mahigpit ang pandemic public safety protocols.

“Apart from the recognition that Covid-19 (coronavirus disease 2019) transmission is still highly probable, local traditions such as church masses, processions, passion plays, palm fronds, Easter vigils, and other local customs also present increased risks in the transmission of various infectious and communicable diseases,” sabi ng DOH sa advisory nitong Linggo, Marso 2, 2023.

Iniulat ng DOH sa Eastern Visayas na noong Marso 27, 2023, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa rehiyon ay 64,728, kabilang ang 64,034 na nakarekober at 694 na namatay.

Hinimok ng field office ang publiko na ipagpatuloy ang pag-obserba sa minimum public health standards kapag nakikilahok sa mga aktibidad sa Lenten ngayong taon, lalo na kapag nasa gitna ng maraming tao at masisikip na lugar.

Kabilang sa mga minimum na rekomendasyon ng DOH Regional Office ay ang patuloy na pagsuot ng face mask kapag nasa matao o sarado na mga lugar, regular na maghugas o magsanitize ng mga kamay, magsagawa ng physical distancing at matiyak ang magandang bentilasyon sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pinto at bintana habang mga misa sa simbahan.

Pinapayuhan din ang publiko na iwasang hawakan at halikan ang mga pigura at estatwa dahil sa panganib na magkaroon ng mga nakakahawang sakit; sundin ang mga kinakailangang pag-iingat at mga hakbang sa kaligtasan sa panahon ng mga aktibidad ng Kuwaresma, tulad ng boluntaryong penitensiya sa panahon ng passion plays, upang maiwasan ang mga pinsala at aksidente; uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration kapag naglalakbay, dumalo sa mga prusisyon at iba pang aktibidad ng Semana Santa; at iwasan ang matagal na pagkakababad sa matinding init upang maiwasan ang panganib ng heat stroke.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe