Dinumog ng mga bisita mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Negros Occidental at sa karatig probinsya nito ang Diangsa Festival sa lungsod ng Cadiz nitong araw, Enero 29, 2023.
Gaya ng ibang festival sa probinsya, ang Dinagsa Festival ay taunan ding idinaraos sa lungsod ngunit natigil ito ng dalawang taon sanhi ng pandemyang CoVID-19.
Samantala nitong Enero 21, minabuti ng lokal na pamahalaan ng Cadiz na muling ibalik ang selebrasyon sa bawat eskinita at kalye sa lungsod.
Ayon kay Cadiz City Mayor Salvador Escalante Jr, lubos nilang ikinagagalak ang pagdagsa ng mga bisita sa lungsod ngunit hinikayat naman nito ang publiko na huwag ng gumamit ng enamel paint at water guns sa pagdaraos ng “Lamhitanay sa Dalan”.
Samantala nagpadala naman ang Negros Occidental Police Provincial Office ng 84 police personnel sa Cadiz City upang tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.