Naging matagumpay ang pagdaraos ng ika-47th Samar Island Partnership for Peace and Development (SIPPAD) Assembly, kahapon, araw ng Biernes sa Provincial Capitol Gymnasium, Brgy. Alang-alang, Borongan City, Eastern Samar nitong Hunyo 9, 2023.
Personal itong dinaluhan ni DILG Secretary Benhur Abalos kasama sina PRO 8 Regional Director Vincent S. Calanoga, Gov. Ben P. Evardone, Minority Leader, Cong. Nonoy Libanan at Atty. Allan Contado, kinatawan ni Cong. Maria Fe Abunda.
Layunin ng SIPPAD na binuo ng mga stakeholders mula sa tatlong lalawigan ng isla ng Samar na talakayin ang plano sa pagtataguyod ng usaping pang-kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Secretary Abalos na mahalaga ang ugnayan at pagtutulungan ng mga LGUs, Civil Society Organizations at iba pang stakeholders upang makamit ang layunin nito. Mahalagang tulay aniya ito sa pagtataguyod ng epektibong pamamahala at transparency sa implementasyon ng mga developmental programs ng gobyerno.
Dinaluhan din ito ng mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, mga Civil Society Organization (CSO), None Government Organization (NGO), Academe, miyembro ng simbahan at iba pang mga stakeholders na nagbahagi rin ng kanilang kaalaman at kasanayan sa mga napakaraming inisyatibong pangka-unlaran sa rehiyon.