Sunday, November 24, 2024

HomePoliticsDILG nagtalaga ng tatlong opisyal bilang mga Ex-Officio sa probinsya ng Antique

DILG nagtalaga ng tatlong opisyal bilang mga Ex-Officio sa probinsya ng Antique

Tatlong nahalal na opisyal sa probinsya ng Antique ang itinalaga ng Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang mga ex-officio na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan nitong ika-4 ng Seteyembre 2024.

Ang mga itinalaga bilang acting na miyembro ay sina Mart Giric Galido na kumakatawan sa SK Federation, Ricky Lavega na kumakatawan sa Philippine Councilors League – Antique, at Julius Pierre Pacificador na kumakatawan sa Liga ng mga Barangay – Antique. Ang kautusan na nag-aappoint sa tatlong opisyal ay pirmado mismo ni DILG Secretary Atty. Benjamin Abalos Jr.

Ang pagtatalaga sa tatlong opisyal bilang ex-officio na miyembro ay bunga ng preventive suspension na ipinatupad ng Office of the Ombudsman laban sa walong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Antique. 

Ang mga nasuspinde ay sina Egidio Elio, Rony Molina, Victor Condez, Alfie Jay Niquia, Plaridel Sanchez IV, Mayella Mae Ladislao, Keneth Dave Gasalao, at Julius Cezar Tajanlangit, na kasalukuyang nahaharap sa mga kasong oppression, grave misconduct, grave abuse of authority, gross neglect of duty, at paglabag sa Section 4 ng Republic Act 6713.

Dahil sa suspensyon ng walong miyembro, naapektuhan ang Sangguniang Panlalawigan ng Antique at hindi nakakapagdaos ng regular na sesyon dahil sa kawalan ng quorum. 

Sa pagtatalaga ng DILG sa tatlong nahalal na opisyal bilang ex-officio na miyembro, siguradong magpapatuloy na ang regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan upang mas mapabuti ang sistema at pamamalakad sa probinsya ng Antique tungo sa isang mas maunlad at malaya na Bagong Pilipinas.

Source: Panay News

Panulat ni Justine 

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe