Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsDILG, maglalaan ng Php786-M para suportahan ang 119 na liblib na lugar...

DILG, maglalaan ng Php786-M para suportahan ang 119 na liblib na lugar sa Eastern Visayas

Ang Department of the Interior and Local Government 8 (Eastern Visayas) ay maglalaan ng Php786.21 milyon na pondo para ipatupad ang Support to Barangay Development Program (SBDP) sa 119 na barangay sa ilalim ng 2023 allocation.

Ang pondo ay gagamitin para sa 165 na proyekto sa mga lalawigan ng Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, at Samar. Ito ay inilaan para sa pagtatayo ng farm-to-market roads, health station, rural electrication, school buildings, at water and sanitation system.

“Ang alokasyon ngayong taon ay Php6.6 milyon para sa bawat barangay. Mas mataas ito kumpara sa 2022 na alokasyon na Php4 milyon lamang,” sabi ni DILG-8 Director Arnel Agabe sa isang press briefing nitong Miyerkules, Abril 12, 2023.

Ang mga proyekto ay tinukoy mismo ng mga residente sa panahon ng retooled community support program, isang convergence mechanism para sa mga lokal na pamahalaan sa nayon upang matukoy ang mga isyu at kailangan para sa mga interbensyon ng gobyerno.

Sa 119 na barangay, 34 ang nasa Northern Samar, 15 sa Eastern Samar, 65 sa Samar, at lima sa Leyte province.

Ang mga komunidad na ito ay dati nang naimpluwensyahan ng New People’s Army, ayon kay Agabe.

Ang 119 na nayon ay kabilang sa ikatlong batch ng mga lugar na sakop ng SBDP.

Ang unang batch, na sumasaklaw sa anim na barangay sa Northern Samar, ay ginawaran ng Php120 milyon na badyet noong 2021.

Noong 2022, nakakuha naman ng Php800 milyon ang 200 barangay sa rehiyon na nakalista bilang SBDP recipients.

Ang paglalaan noong nakaraang taon ay tumustos sa 266 na proyekto, kung saan 48 ang natapos, 132 ang patuloy na ginagawa, 76 ang nasa ilalim ng pagbili, at 10 ang naghahanda pa rin ng mga dokumento. Ang badyet ay para sa paggastos hanggang sa katapusan ng 2023.

Ang SBDP, isang hallmark program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na magdadala ng pag-unlad sa mga dating conflict-prone communities.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe