Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nakatanggap ng pahintulot na magtayo ng karagdagang gusali sa 5-ektaryang lote sa South Road Properties matapos maglabas ng building permit ang pamahalaang lungsod, ayon sa isang opisyal nitong Huwebes.
Sinabi ni Acting Mayor Raymond Garcia na inatasan niya ang Office of the Building Officials na ibigay ang permit matapos ang isang pulong noong Martes kasama si DPWH Regional Director Danilo Villa Jr. Inilahad na ng DPWH ang kinakailangang site development plan, na isang rekisito bago ipagkaloob ang building permit.
“Under the usufruct agreement, DPWH agreed to submit a site development plan for the 5-hectare lot at the SRP. The development plan is a requirement to approve the building permit for additional structures of the DPWH-7,” paliwanag ni Garcia sa Philippine News Agency.
Binanggit din niya na nagkasundo na ang pamahalaang lungsod at DPWH na palitan ang “open-ended” na termino ng usufruct agreement at gawing 50-taong kontrata.
Ayon naman kay Villa, ginagawa ng DPWH ang lahat upang mapaganda ang mga pasilidad at makakuha ng suporta mula sa central office at iba pang mapagkukunan.
Batay sa paunang plano, ang lugar ay hindi pa gaanong nade-develop.
“So, that’s why, I said, of the structure, is there anything more to be cleared with the city, considering that we already constructed many structures there,” dagdag pa ni Villa.
Kasama sa mga istruktura sa DPWH compound ang regional field office, flood control projects office, depot, at iba pa.
Source: PNA