Wednesday, January 8, 2025

HomeNewsDepEd, nagpasa na ng rekomendasyon kay PBBM na ibalik na ang dating...

DepEd, nagpasa na ng rekomendasyon kay PBBM na ibalik na ang dating School Calendar

Nagpadala na ang Department of Education (DepEd) ng rekomendasyon kay Pangulong Marcos na tapusin ang susunod na School Year 2024-2025 sa Marso 2025.

Panawagan ng DepEd na ibalik ang school break sa Abril at Mayo dahil sa kakulangan ng oras na siyang dahilan ng pagsususpinde ng face-to-face classes at pagpapatupad ng alternative delivery modes (ADMs).

Aminado ang DepEd na hindi ito magiging madali dahil magiging magulo ang bilang ng araw na papasukan ng mga estudyante.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, kung ito ay maaprubahan, ito ay magiging 165 araw para sa mga mag-aaral kumpara sa kinakailangang 180 minimum na araw.

Isa sa mga nakikitang solusyon ay ang alternatibong paraan at posibleng magkaroon ng mga klase tuwing Sabado.

Dagdag pa ni Bringas, maaapektuhan ang vacation pay ng mga guro. “We all know that teachers are entitled to proportional vacation pay, that is two months after each school year. At binabayaran sila, ang PVP is computed on the number of school days in a given year,” ani ni Bringas.

Nanawagan naman si Senate President Juan Miguel Zubiri kay DepEd Secretary Sarah Duterte na ibalik ang nakaraang summer vacation para sa mga estudyante noong Abril at Mayo.

Panulat ni Adi

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe