Patuloy na tumataas ang mga kaso ng dengue fever sa Eastern Visayas ngayong linggo kung saan pito ang nasawi at 1,856 na pasyente mula Enero 1 hanggang Hunyo 11 ngayong taon ang naiulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Hunyo 15, 2022.
Ayon ni DOH Regional Information Officer Jelyn Lopez-Malibago, may 102 pang kaso ang naitala sa pagitan ng Hunyo 5 hanggang 11, mas mababa sa 217 bagong kaso na naitala mula noong huling linggo ng Mayo hanggang unang bahagi ng Hunyo.
“Ang bilang ng mga kaso ngayong taon ay 545 porsyento na mas mataas kumpara noong 2021 kung saan mayroon lamang tayong higit sa 200 na kaso,” sabi ni Malibago.
Mula Enero 1 hanggang Hunyo 11, naitala ang mga namatay sa dengue sa mga bayan ng Jaro at Ormoc City sa Leyte; Taft at Hernani sa Eastern Samar; Calbayog City, Samar; at Maasin City at Padre Burgos sa Southern Leyte.
Sa 1,863 na kaso ng mga nasawi sa sakit, 709 ang naitala mula sa lalawigan ng Leyte, 570 sa Southern Leyte, 202 sa Samar, 144 sa Eastern Samar, 160 sa Biliran, at 78 sa Northern Samar.
“Sa patuloy na pagtaas ng kaso, huwag natin dapat kalimutang gawin ang mga maiinam na hakbang upang maiiwasan ang dengue tulad ng paggawa ng ating ‘4S’ strategy, lalo na’t nagsimula na ang tag-ulan,” saad ni Malibago.
Ang dengue fever ay nagsisimula sa biglaang mataas na lagnat, matinding pananakit ng ulo at pananakit sa likod ng mga mata, kalamnan, at kasukasuan. Ang ilan ay maaaring magkaroon ng mga pantal at iba’t ibang antas ng pagdurugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Hinimok din ng Health Department ang mga alkalde ng lungsod at bayan na regular na mag-organisa ng mga aktibidad na nakatuon sa paglilinis at pagsira sa mga lugar na maaaring pag-aanakan ng lamok at ang pagsasagawa ng mga community assemblies sa mga lugar na may kaso ng dengue. Source: PNA | https://www.pna.gov.ph/articles/1176709