Nakatakda ngayong araw ng Lunes, Hunyo 26, 2023 ang pagsasagawa ng demolisyon sa kabahayan ng nasa 200 na residente sa Brgy. 6 Pier Uno sa Lungsod ng Catbalogan.
Giit ng abugado ng mga residente, hiniling nito sa Korte na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) upang pigilan na muna ang City Government ng Catbalogan sa pagpapagiba sa mga tahanan na nakatirik sa naturang lugar dahil sa kawalan umano ng malinaw na relokasyon sa mga residente.
Pagbubunyag pa nito’y sumulat na umano ito kay PNP Chief Benjamin Acorda at hiniling na wag pahintulutang magbigay ng police assistance sa pagsasagawa ng aniya’y ilegal na demolisyon.
Matatandaang ikinasa na ng pamahalaang panglungsod ang konstruksyon ng modernong port area na pinunduhan ng Php60 Million sa ilalim ng DOTr at limang palapag na condominium/housing na pinunduhan sa ilalim ng Socialized Housing Finance Corporation (SHFC) ng pamahalaan.
Bukas naman ang SDNO sa komento ng Pamahalaang Lungsod ng Catbalogan.