Sunday, July 7, 2024

HomeNewsDelivery Rider, patay sa pamamaril sa Bayan ng Guiuan Eastern Samar

Delivery Rider, patay sa pamamaril sa Bayan ng Guiuan Eastern Samar

Patay sa pamamaril ang isang gas delivery rider bandang 8:50 nitong Huwebes ng umaga, Mayo 25, 2023 sa Brgy. Bungtod, Guiuan, Eastern Samar.

Kinilala ang biktima na si Ramil Morpuz y Otida, nasa hustong gulang, isang delivery rider ng Prycegas at residente ng Brgy Tagporo Guiuan E. Samar.

Ayon sa ulat, pinagbabaril ng dalawang suspek na nakasuot ng bonnet at nakasakay sa motorsiklo ang naturang biktima na nagresulta ng kanyang agarang pagkasawi.

Sa salaysay ng mga saksi, lulan ng kanilang motorsiklo ay agad na tumakas ang mga hindi nakilalang suspek sa crime scene makaraan ang pagpatay sa biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Guiuan Municipal Police Station para sa agarang ikadarakip ng mga suspek.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe