Saturday, January 11, 2025

HomeNewsDating pinamumugaran ng NPA sa Samar, hinihiling na maayos para gawing eco-tourism

Dating pinamumugaran ng NPA sa Samar, hinihiling na maayos para gawing eco-tourism

Ang local na gobyerno ng Matuiguinao sa Samar ay determinadong isaayos ang cold spring at kweba na dating pinamumugaran ng mga rebeldeng grupo upang gawing eco-tourism.

Ayon sa panayam kay Mayor Aran Boller na kung saan humihingi ng tulong sa Department of Tourism (DOT) regional office para sa pondo na manggagaling sa Tourism Infrastructure at Enterprise Zone Authority (TIEZA) upang isagawa ang ibang infrastructure malapit sa Sulpan Cold Spring at Cave sa Barruz village.

“Now that our town is peaceful, we want people to visit our tourism sites and create livelihood opportunities in communities”, saad ni Boller.

Ang iminungkahing budget ay 45 million para sa construction ng grouted riprap, concrete path bridge, pathway, installation ng amenities, storage area, entrance ticket office, public grounds, at solar lights.

Ayon sa lokal na gobyerno, ang Maslog Cold Spring ay patuloy na umaakit ng mga turista mula noong 2021.

Napansin din ng Mayor na simula noong nakumpleto ang mga daan, naging ordinaryo na ang mga turista sa bayan na dating lugar na pinangyayarihan ng engkwentro ng rebelde at puwersa ng gobyerno.

Halos 20 na nayon ay naimpluwensyahan ng New People’s Army (NPA), na kung saan ngayon ay malaya na sa kamay ng NPA. May apat na nayon na kasalukuyang sinusubaybayan sa pagtatangka ng rebeldeng makabawi.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe