Vallehermoso, Negros Oriental – Tahasang kinondena at tinuligsa ng nasa mahigit 500 dating mga tagasuporta ng Communist NPA Terrorists (CNT) sa bayan ng Vallehermoso sa Negros Oriental dahil sa mga pang-aabuso at kalupitan ng grupo.
Ang aktibidad ay pinasimulan ng Vallehermoso Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) at ng Department of the Interior and Local Government, sa pakikipagtulungan ng 62nd Infantry (Unifier) Battalion, Philippine Army at Vallehermoso Municipal Police Station na ginanap sa Brgy Tabon, ng nasabing bayan nitong Setyembre 26, 2022.
Sa naturang Community Based-Dialogue at Deklarasyon ng CNTs bilang Persona Non-Grata ay binigyang-diin naman ng naturang mga former rebel ang kanilang pagtuligsa sa CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas ng “Panumpa sa Kalinong” sa pangunguna ni Hon. Alfredo M. Lera Jr, Punong Barangay.
Nagsagawa rin ng pag-aalay ng panalangin at pagtirik ng kandila para sa kapayapaan, para sa mga biktima ng kalupitan ng NPA at paglabag sa karapatang pantao, na pinangasiwaan ni Pastor Shamgard Casipong ng Christian Fellowship Church na sinundan naman ng pagsunog ng watawat ng CPP-NPA bilang simbolo sa ganap na pagbawi ng parehong mga residente sa kanilang suporta at pag-anib sa nasabing armadong grupo.
Source: 62nd Infantry (Unifier) Battalion, Philippine Army