Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsDating Lapu-Lapu City Jail Warden, itinilaga na bagong Director ng BJMP 7

Dating Lapu-Lapu City Jail Warden, itinilaga na bagong Director ng BJMP 7

Malugod na tinanggap ng Bureau of Jail Management and Penology Central Visayas (BJMP 7) ang itinalagang bagong direktor nitong si Jail Chief Superintendent Neil Avisado.

Pinalitan ni Avisado si Jail Chief Superintendent Efren Nemeño, na itinalagang direktor ng BJMP National Capital Region, noong Huwebes, Nobyembre 3, 2022.

Hindi na bago sa rehiyon si Avisado, na naging direktor ng BJMP Northern Mindanao.

Bago naging 1-star Brigadier General, nagkaroon siya ng stint bilang warden ng Lapu-Lapu City Jail at Tagbilaran City Jail sa Bohol.

Nagsilbi rin siyang warden ng Second Chance Community Rehabilitation Center noong nasa ilalim pa ng BJMP ang pasilidad.

Si Avisado na tubong Surigao, kabilang sa Philippine National Police Academy Patnubay Class of 1995.

Ayon naman kay BJMP 7 Assistant Director Jail Superintendent Reynante Rubio, asahan ng Bureau ang higit pang mga proyekto at pagpapaunlad sa ilalim ng bagong pamunuan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe