Sunday, October 6, 2024

HomeNewsDating drug surrenderer, nahulihan ng shabu sa Mandaue City

Dating drug surrenderer, nahulihan ng shabu sa Mandaue City

Arestado ang isang dating drug surrenderer sa buy-bust operation ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA 7) at Mandaue City Police Office sa San Roque Street, Barangay Subangdaku, Mandaue City nitong Martes, Agosto 1, 2023.

Kinilala ang suspek na si Ryan Flores, 34, isang chief cook at residente ng nasabing lugar.

Nakumpleto na ni Flores ang Community-Based Drug Rehabilitation Program ng barangay, nang bumalik umano ito sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Nakuha mula sa kanya ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 11 gramo na may tinatayang street value na P74,800, buy-bust money at isang cellphone.

Sinabi niya na sinusubaybayan nila ang suspek sa loob ng isang linggo bago ito arestuhin matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa kanyang aktibidad sa ilegal na droga.

Sinabi ni Leia Alcantara, Information Officer ng PDEA 7, para mapanatili ang status ng mga barangay na itinalaga bilang drug-cleared, patuloy ang kanilang monitoring sa mga ito.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe